Sa Buwan ng Mayo

Sa Buwan ng Mayo ako ay napaibig
Pag-ibig na tila parang isang panag-inip
Pag-ibig na hindi inaasahan
Pag-ibig na buong buhay aalalahanin

Hindi ko alam kung paano
Hindi ko rin alam kung bakit
Pero buong puso ay nahulog
Sa iyo aking iniirog

Ngunit ang buwan ay nagtatapos din
Hindi inaasahan ang pagdating ng huling araw
Pasensya na aking minamahal

Ngayon ay wala ka na
Puso ko ay nawawala
Nagdarasal para sa iyong kaligtasan
Nagdarasal para sa iyong tagumpay

Malayo ang iyong mararating
Nawa’y puso mo ay makahanap din
Ng buwan na siyang magbibigay ligaya
Ligayang hindi ko kayang ibigay

Ang buwan na ito ay laging maaalala
Mga alaalang aking ipagyayaman
Mga panahong tayo ay nagkasama sa buwan ng Mayo

--

--

Patrick Fernandez

Development Economics | Political Economy | Data Analysis | Engineering